Ang BANTAYOG

Isports

Bagong Laban, Lumang Pangalan
Opinyon

Bagong Laban, Lumang Pangalan

Ni @angbantayog · August 20, 2026 · 2 min read

Grabe na man! Panibagong kompetisyon, panibagong pagkakataon, pero bakit parehong mga pangalan pa rin ang nakasulat sa listahan?Habang ang ilan ay paulit-ulit na umaakyat sa entablado, may mga estudyanteng nananatiling nasa ibaba—hindi dahil wala silang kakayahan, kundi dahil hindi man lamang sila nabibigyan ng pagkakataong patunayan ito. Hindi masama ang piliin ang mahusay, ngunit mali kung paulit-ulit na iilan lamang ang binibigyan ng pagkakataong maging mahusay.

Sa Inclusive Education Policy Framework ng DepEd, binibigyang-diin ang access at pagkakataon ng mga mag-aaral na makilahok sa iba’t ibang aspeto ng buhay-paaralan, kasama ang layunin ng pantay na edukasyon. DepEd Order No. 21, s. 2019 Kung gayon, ang oportunidad ay hindi dapat maging pribilehiyong umiikot lamang sa mga pamilyar nang pangalan, ang oportunidad na ipakita ang talento ay hindi dapat umiikot lamang sa mga pangalang matagal nang pamilyar.

Nakakainis kapag walang bagong mukha ang nabibigyan ng pagkakataong sumubok. May mga estudyanteng maaaring mahusay sa pagsulat, pagsasalita, pag-aanalisa, pagganap, o iba pang larangan, ngunit paano natin malalaman kung hindi sila pinapapasok sa laban? Hindi puwedeng sabihing walang bagong talento kung parehong pangalan lamang ang patuloy na hinahanap.

Hindi naman masama ang piliin ang mga estudyanteng mahusay. Kung pinaghirapan nila ang kanilang mga tagumpay at kaya nilang patunayan ang kanilang galing, karapat-dapat lamang silang bigyan ng pagkilala. Pero hindi rin dapat maging permanenteng tiket ang isang dating panalo para makuha ang bawat susunod na puwesto. Hays, ang medalya kahapon ay hindi garantiya ng puwesto bukas.

Simple lang naman ang hinihingi: bigyan ng laban ang gustong lumaban. Magkaroon ng bukas na tryouts, malinaw na criteria, at patas na screening. Huwag piliin dahil kilala na, huwag isantabi dahil bago pa lamang, at higit sa lahat, huwag gawing basehan ang nakaraang tagumpay para awtomatikong angkinin ang susunod na pagkakataon.

Compose

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *