Ang BANTAYOG

Isports

RA 12322, Nagbigay ng Flexibility sa DepEd sa K–13 Curriculum
Balita

RA 12322, Nagbigay ng Flexibility sa DepEd sa K–13 Curriculum

Ni @angbantayog · August 20, 2026 · 3 min read

Nagbigay ng karagdagang flexibility sa Department of Education (DepEd), mga paaralan at guro ang Republic Act 12322 o Curriculum Flexibility under the Enhanced Basic Education, na naglalayong gawing mas angkop ang pamamaraan ng pagtuturo sa iba’t ibang pangangailangan ng mga mag-aaral. Layunin ng batas na bigyan ang DepEd, mga paaralan, guro at mag-aaral ng mas malawak na kakayahang pumili ng mga pamamaraang makatutugon sa magkakaibang learning needs at learning environment ng bawat paaralan. Alinsunod dito, hindi na sapilitan ang paggamit ng spiral progression approach, upang magkaroon ang DepEd ng tinatawag na “policy flexibility” o kalayaang pumili ng mga estratehiya at pamamaraang higit na angkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Ayon kay Gng. Donnah Lorenzo, guro sa Libertad National High School (LINHS), matagal nang kailangan ng mga guro ang ganitong uri ng flexibility dahil hindi pare-pareho ang mga mag-aaral at learning environment sa bawat paaralan. “Para sa akin, matagal nang kailangan ng mga guro ang ganitong uri ng flexibility. Hindi rin pare-pareho ang mga batang ito, lalong-lalo na sa kanilang learning environment. Kung ang isang teaching strategy ay epektibo sa isang paaralan, hindi ibig sabihin na ganoon din ito kaepektibo sa ibang klase,” ani Lorenzo. Dagdag pa niya, mahalagang magkaroon ng autonomy ang mga guro upang maiangkop ang kanilang paraan ng pagtuturo sa iba’t ibang learning needs, attitude, abilities at backgrounds ng mga mag-aaral. “Bilang isang guro na humaharap mismo sa iba’t ibang learning needs, attitude, abilities at backgrounds ng learners, malamang bagay ang pagkakaroon ng autonomy na iangkop ang pagtuturo sa pangangailangan ng klase,” dagdag ni Lorenzo. Sa pagbibigay ng ganitong flexibility, mas nabibigyan ng tiwala ang mga guro at paaralan na gamitin ang mga estratehiyang angkop sa kanilang mga mag-aaral upang matiyak na mas nauunawaan at napapakinabangan nila ang kanilang mga aralin. Sa huli, inaasahang makatutulong ang mas flexible na pamamaraan sa pagbuo ng mas mahusay at makabuluhang curriculum na isinasaalang-alang ang magkakaibang kakayahan, pangangailangan, karanasan at learning environment ng bawat batang Pilipino.

Cathleen

Libertad National High School, Ipinagpatuloy ang ARAL Program Ipinagpatuloy ang ARAL Program ngayong School Year 2026-2027 para sa mga mag-aaral ng Libertad National High School(LINHS) na hindi pinalad na nakapasa sa pagsusulit sa Kasanayan sa Pagbasa, Pagsulat, at Pagbilang na siyang basehan ng mga dadalo sa programa. Layon ng programang ito na patatagin ang kakayahan ng bawat mag-aaral sa larangan ng edukasyon at isulong ang pagiging progresibo ng mga kabaataan sa silid-aralan. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), mahalaga ang ARAL Program o ang (Academic Recovery and Accessible Learning Program) dahil layunin nitong matugunan ang krisis sa edukasyon, matulungan ang mga mag-aaral na nahuhuli sa klase na makahabol sa mga natatalakay na mga paksa sa loob ng silid. Opisyal na inilunsad ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program noong Setyembre 13, 2025, at sinimulan ang pagpapatupad nito sa ikalawang kuwarter ng School Year 2025–2026. Alinsunod sa Republic Act No. 12028, ang pambansang programang pang-interbensyon sa pagkatuto ay pinangungunahan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Layon nito na patatagin ang batayan ng bawat guro at subukin ang kakayahan ng bawat mag-aaral ng (LINHS) sa larangan ng edukasyon. Sa ngayon ay ipinagpapatuloy ang ARAL Program sa Libertad National High School upang masiguro na mapapalawak ang kakayahan at kasanayan ng bawat mag-aaral at upang maipagpatuloy ang mabisang pagkatuto ng bawat mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *