Pasan ng Karangalan
Pagod na nga sa araw-araw sa matinding ensayo pasan ko pa ang mga matitinding pananabik ng mga tao sa paligid ko. Sa kabila ng mga parangal, may bitbit na bigat na para bang bawat patak ng pawis ay hindi sapat at bawat hakbang na tinatahak ay sinusundan ng mga mata. Ang mga mabibigat na inaasam ng mga tao sa mga manlalaro ay isa sa mga mabigat na pasanin ng mga atleta sa bawat karangalan na kanilang dinadala.
Tuwing sasapit ang mga patimpalak sa isports, bawat laban at bawat patak ng pawis ay may katumbas na istorya. Malaking ekspektisyon mula sa mga tao, yan ang isa sa mga isyung hindi maiiwasan ng mga atleta sa bawat laro, bawat laban, at bawat karangalan na kanilang inuuwi. Haynako, imbis na suportahan ang mga atleta ay nagawa pang husgahan at bigyan ng pasanin ng mga walang kwentang tao ang mga kawawang atleta.
Ayun sa datus ng Journal Atletic Training, 40-50% ng mga atleta ang nagsasabing nakararanas ng burnout o pagod sa utak at katawan dahil sa matinding expectations ng mga tao sa kanila. Patunay na nakakaawa ang mga atleta dahil sa taong mapanghusga. Ang ganitong klaseng pag-iisip ay hindi dapat pinapa-iral, walang lugar sa mundong ito ang mga taong walang kwenta at basura mag isip.
Sa kabila ng lahat ng karangalan at parangal, hindi maikakaila na ang bigat ng inaasahan mula sa paligid ay isang malaking pasanin sa bawat atleta. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang resulta ng husay at tiyaga, kundi pati na rin ng lakas ng loob na tiisin ang mapanghusgang mata at mabigat na pananabik ng iba. Kilalanin at pahalagahan ang kanilang sakripisyo, hindi dagdagan pa ang kanilang pasanin.
Dapat pahalagahan ang kanilang paghihirap at bigyan ng pagkilala sa lahat ng kanilang hinarap. Itapon ang mapanghusgang pag-iisip at palitan ito ng taos-pusong suporta. Maging masaya sa bawat parangal na kanilang inuuwi, at damhin ang bawat patak ng pawis na nagbunga ng karangalan.