Libertad National High School, Ipinagpatuloy ang ARAL Program
Ipinagpatuloy ang ARAL Program ngayong School Year 2026-2027 para sa mga mag-aaral ng Libertad National High School(LINHS) na hindi pinalad na nakapasa sa pagsusulit sa Kasanayan sa Pagbasa, Pagsulat, at Pagbilang na siyang basehan ng mga dadalo sa programa.
Layon ng programang ito na patatagin ang kakayahan ng bawat mag-aaral sa larangan ng edukasyon at isulong ang pagiging progresibo ng mga kabaataan sa silid-aralan.
Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), mahalaga ang ARAL Program o ang (Academic Recovery and Accessible Learning Program) dahil layunin nitong matugunan ang krisis sa edukasyon, matulungan ang mga mag-aaral na nahuhuli sa klase na makahabol sa mga natatalakay na mga paksa sa loob ng silid.
Opisyal na inilunsad ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program noong Setyembre 13, 2025, at sinimulan ang pagpapatupad nito sa ikalawang kuwarter ng School Year 2025–2026.
Alinsunod sa Republic Act No. 12028, ang pambansang programang pang-interbensyon sa pagkatuto ay pinangungunahan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
Layon nito na patatagin ang batayan ng bawat guro at subukin ang kakayahan ng bawat mag-aaral ng (LINHS) sa larangan ng edukasyon.
Sa ngayon ay ipinagpapatuloy ang ARAL Program sa Libertad National High School upang masiguro na mapapalawak ang kakayahan at kasanayan ng bawat mag-aaral at upang maipagpatuloy ang mabisang pagkatuto ng bawat mag-aaral.