Warriors Namayagpag kontra Spartans sa 3×3 Exhibition Game;Napasakamay ang Kampeonato
Nagpakitang gilas ang Warriors kontra Spartans sa 3×3 Exhibition Game na may natalang 21-8 na puntos na ginanap sa Libertad National High School Gymnasium, kahapon.
Pinangunahan ng best player na si Jonathan Ferrer ng Warriors ang laro matapos mag-ambag ng walong puntos sa laro, sinundan na man ni Carl John Fabrigas na may pitong puntos.
“Pray kag teamwork,” bulalas ni Ferrer.
Sumelyo ang Warriors ng magandang opensa sa unang minuto ng laro na naging sanhi ng kanilang pagkalamang kontra Sparts, 3-1.
Sunod-sunod na man na 2 point shot ang binigay ni Ferrer sa unang tatlong minuto nang laro na nagpakampante sa kanila.
Bumangon ang Spartans ng naka buwelo si Zhaijon Young ng sunod-sunod na puntos sa ikaapat na minuto ng laro, 8-5.
Best player na man ng Spartans si Young matapos magtala ng limang puntos sa kanilang
koponan.
Nagpakawala ng isang tres si Fabrigas dahilan upang maselyuhan ng Warriors ang panalo, natapos ito na may 21-8 puntos.
Sa kabila ng pagka-panalo, puspusan ang pag-eensayo ng koponan para kanilang makakalaban sa susunod pa nilang laro.